pano manligaw ang batangueno?
nung binata pa q , di ako dumadalaw ng dala ko bulaklak ,, TALONG at TABAYAG , ayoko sa basket kasi baduy.. nakalagay sa SUPOT... para unique.
bago ako umalis ng bahay hipir nahipir ang buhok ko, me liston ang pantalon,long sleeve ko puti, panyo ko puti,medyas puti.. xmpre me perfume tatiana . hulugan sa avon..kapag wala.. hehe tiis na lang sa shampoo sachet,,, palmolive hehe para bagong ligo kunyari..alas 6pm lakad na q me dala na sanga ng bayabas .dami kasi aso sa kanila ....
di q kinakausap ung gusto ko, tuloy ako sa kusina hinahanap ko NANAY ...blessed muna q, tapos hanap ko rin tatay .... me dala q GIN kung ayaw tanggapin ... TABAKO.. champion..o magkaibigan .. hehe kung ayaw pa rin .. juicy fruit.. kung ayaw pa rin ,, yuyuko ako sa harap sabay sabi ... dala ko po yung kalabaw ni tatay .. baka gusto nyo magpalahi hehehe.
... magalang naman ako kasi nga gusto ku ung anak nila.. kaya lang me kahinaan ako .. di ako makapagsalita sa harap ng dalaga... isang oras na nakatitig lang ako... sa kanya palinga linga .. humahanap ng butiki sa kisame para titigan,, minsan ung kuko sa paa.. .. hay panis na ang laway di parin ako makapagsalita.. di ko masabi ung nasa kalooban ko.. ayoko namang sabihing mahal ko siya.. baka magalit,, humahanga ako.. crush ko. baka sabihin baduy ako...
minsan naiinip na ang dalaga kasi nga 3 oras na di pa ako nagsasalita... antok na .. ala parin minsan sila na nag ee start ng conversation ... MAGSALITA NAMAN KAHIT MALI.... sabi niya,..nabuhayan ako ng loob ... eto na,,, eEH EH .. inipon ko ang lakas ng loob ko .. sabay sabi MAKAHALIK KAYA ...... nakapagsalita rin ako.. kaya lang SINAMPAL AKO..


English (US) 