Should Filipinos learn Spanish language?
#1 March 31, 11:17 pm
Should Filipinos learn Spanish language?

Yes, of course. Filipinos should take up Spanish course if they are economically capable. If possible, make it a compulsory module in all Philippine universities.

May God gives Filipinos the urge to learn Spanish !!!

#2 June 7, 9:04 am

Being a multilingual myself, naniniwala pa rin ako na ang pag-aaral ng isang wika ay dapat maging kasi-siya.

Walang wikang dapat maging compulsory. Ang maganda, lahat ng mga wikang maaring ituro ay ituro at hayaang ang mga tao ang matuto ng gusto nila.

Isipin na lang natin, compulsory ang ENGLISH ngayon. Tunay namang nagagamit natin ito. Pero kung pangarap kong pumunta ng FRANCE o ng QUEBEC, Canada? Di ba, dapat FRENCH ang matutuhan ko?

Paano kung ang pangarap ko ay pumunta ng JAPAN? Di ba, mas maganda kung NIHONGO ang pag-aralan ko?

At huwag nating kalimutan, ang SPANISH ay isang wikang bunsod ng CRISTIANISMO. Paano naman kung isa akong MUSLIM? Hinid ba dapat ARABO ang wikang pag-aralan ko?

At higit sa lahat, hindi ba maganda ring pag-aralan natin ang mga wikang ginagamit natin sa aing mga rehiyon? Kung ang University of Hawaii nga ay mayroong kursong BACHELORS OF ARTS IN ILOCANO at BACHELORS IN TAGALOG, bakit hindi natin magawa iyon?

Sa buong Timog Silangang Asya, Malay ang wikang ginagamit ng mas maraming bansa. Sa 10 miyembro ng ASEAN, 5 ang gumagamit ng MALAY. Hindi ba, maganda ring pag-aralan ito upang mag mapatatag ang ating mga ugnayan sa mga kapitbahay natin?

Kaya uulitin ko, ang pag-aaral ng wika ay dapat magmula sa taong gagamit. Kung babalik lamang ako sa tribong pinagmulan ko upang pagsilbihan ang aking mga ka-tribu bilang doktor, bakit kailangang maging dalubhasa sa kung anu-anong wika?

Mabuhay ang mga Anak ng KUMINTANG!

#3 May 21, 9:01 am
dapat lang kasi karamihan ng tagalog batangas ay hindi magandang pakinggan. Halimbawa- Hapag kainan [La Mesa] Salung-puwet [silya] durungawan [vintana]
batingaw [campana] balaraw [cutcillo] etc.. . . madami pang loan
words sa kastila.
Papaano kung gamit sa katawan? tulad ng underwear? salung-buko [bra]
papaano pag-extra large? salung-papaya? Sa lalaki, papaano?
salongganisa? eh kung babae? salung-biyak? Dapat lang na gamitin
natin ang medyo kastila, Hija.Buenas tardes.
#4 May 21, 9:55 pm
Sa amin sa makasaysayan bayan ng balayan na dating kumintang ang taguri at nasasakop ng brunei, ang mga kalye doon ay hinango sa mga santa ng kastila. Una, kalye kalye Antorcha- Nuestra Señora de Antorcha [Our Lady of Torch], Kalye Paz-Nuestra Señora dela Paz; Kalye Constancia -Nuestra Señora dela Constancia; Kalye Esperanza- Nuestra Señora de Esperanza at marami pa, punta ka sa amin para malaman mo mga pangalan ng kalya na isinunod sa mga santa. see you soon ha.
All times are GMT +8. The time now is 12:16 am.